nakasanayan ko nang makalat ang aking kwarto. feeling ko kasi pag makalat parang naka-embrace sila sa akin (yoong mga gamit ko). pero ung kalat eh tipong kahit itanong ako king nasaan ang isang gamit ay alam ko kung nasaan.
pero nung mga nakaraang araw hindi lang makalat ang aking kwarto kung hindi madumi na rin.
minsan ko nang gustong simulang maglinis pero alam kong matatagalan akong matapos kaya hindi ko naitutuloy. yoong mga dammit ko ay nakapatong nalang sa aking computer chair, at hindi nagtagal ay pati na rin sa aking paanan. tinamad na akong ilagay sila sa aking mga lalagyanan sa kailaliman ng aking kama, at doon sa gilid sa aking damitan. mas madali rin kasing magbihis, nakikita ko ung mga pinagpipilian kong mga damit.
pero maiba naman ngayong araw. laban ni pacquiao ngayon at panalo siya. pero ano nga ba ang konek nito sa aking paglilinis? wala naman, sinabi ko lang.
pero totoong iba ang araw ngayon.
medyo naramdaman ko nang mga 11:00 na iyon ng malalaapitang tanghali. ayaw ko pa bumangon at inaantok pa ang aking mga mata. pero parang gusto ko nang tumayo, pero hindi pa rin. mga damit ko'y nasa paanan ko pa rin, at nasa computer chair. ang kabilang gilid ng aking kwarto ay punong puno ng mga paper bags na may lamang mga kalat at kung ano-ano pa. nang biglang naramdaman ko...
... ang aking mga damit sa paanan ko ay nahulog. lahat sila. mukhang nasipa ko yata sila. pero wag kayong magkamali. naramdaman kong nasipa ko siya.
nang nagkaroon na ako ng lakas para tumayo, nag-cr muna ako, at pinlot ko ang aking mga damit. lahat sila. tapos sinimulan ko na agad.
ngunit hindi lamang iyon ang aking inayos kung hindi yoong mga nasa computer chair din.
at namagdesisyonan ko rin na isama na yoong mga nasa damitan. at iyon ding nasa kailaliman ng aking kama.
eto na ang kinalabasan:

grabe ngayon ko lang talagang napagtanto na ganito na karami ang mga damit ko.
kaya naman nagbawas-bawas na din ako.
parang nakipag-usap sa akin ang mga damit ko. parang sabi nila na "ayusin mo na ako!!!" haha.
bago ko sinimulan ay nananghalian muna ako. gutom na ako noh hindi pa ako nakakapagalmusal.
nang matapos mananghalian, nagpatulong ako sa dalawa naming kasambahay na si lanie at si lyka. sa pagtulong nila, sabi ko ay pwde silang mamili sa mga ibibigay ko nang ma damit. tuwa naman sila. siyempre kung ako sila matutuwa rin ako, kahit ba hindi bago. parang ukay-ukay lang yan. minsan ko na ring naranasan yon, sa mga tita ko, noon pag napunta kami sa kanila minsan ay may ipapamigay silang mga damit at hati naman kami ng pinsan ko. ung iba ay nandito pa rin.
natapos ang laban ni pacquiao noong hapon at natapos na rin ang pagtitiklop, at wala nang mga damit sa aking kama. ngayon napagdesisyunan ko na rin na lubos-lubosin na ang paglilinis.
tinanggal ko na ang bedsheet at inilagay ko lahat ng kalat sa aking kama. napuno ulit ang aking kama ng mga kalat. karamihan ay mga kapapelan na ginamit ko sa skul. ibinaba ko na rin ang mga bag at inayos na din sila. inayos ko lahat.
nagpabili ako ng kahon kina mama pero hindi sila ngayon nakakabili kaya sa susunod nalang daw. ilagay ko nalang muna daw sila sa paper bag.
kaya may paper bag ulit na nakakalat sa kwarto ko. pero ok lang. panandalian lang yon.
pagkatapos ng ilang punas at walis, at ayos dito at ayos doon, natapos din akong maglinis. 11:00 ng gabi ako natapos. haha. o diba?
ang dami ko kasing gamit. pero dahil maliit lang ang aking kwarto ay kelangan pagkasyahin sila lahat dito.
eto na siya ngayon:

hindi pa rin malinis??? malinis na yang lagay na yan! marami lang kasing gamit kaya mukhang crowded na. pero malinis na yan, di katulad dati na wala na halos maapakan sa dami ng kalat sa sahig.
natapos rin ang mahabang paglilinis, at kailangan na matulog dahil may pasok pa bukas.
ito na lamang muna sa ngayon, good night na! :D



0 comments:
Post a Comment